Kili-kili Powerssssss

Gwapo po si Sir Mhakie Lim. Medyo bad boy prof pa.

A Secret Affair

Pinanood ko ang pelikulang A Secret Affair ni Nuel Naval. Tungkol sa dalawang taong nagmamahal sa isa’t isa ang pelikulang ito, si Anton at si Raffy ang dalawang taong iyon. Pagkatapos ng pakikipag-date ng dalawang bwat at kalahati, nag propose si Anton kay Raffy. Sa mga preparasyon para sa kasal, na presyur ang babaeng ikakasal sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sa buhay niya. Dahil dito, nalito na siya at natakot kaya iniwan niya si Anton. Isang gabi bago silang ikakasal, iniwan niya lang ang singsing at umalis na walang paliwanag. Nag abroad si Raffy para maghanap ng sarili. Si anton naman, nasawi at nilapitan ni Sam, isang kaibigan ni Raffy. Nandoon si Sam noong nasaktan si Anton para aliwin siya sa pisikal na konteksto. Para kay Anton, ibang babae lang si Sam at mahal niya pa rin si Raffy kahit parati silang nagtatalik habang si Sam nasa abroad. noong bumalik na si Raffy sa Pilipinas para magpaliwanag kay Anton, nagkabalikan sila at si Sam naman ang nasawi. ito ang umudyok kay sam na sirain ang relasyon ni Sam at ni Anton.

Nagsesentro ang pelikula sa mga kamalian na ginawa ng tatlong taong ito. Si Anton, nakipagtalikan sa kaibigan ni Raffy. Si Raffy, iniwan ang kaniyang mahal dahil nalito at natakot. Si Sam, sinira ang relasyon ng kaibigan niya sa lalaking mahal niya dahil naseselos siya. Nagustohan ko ang pelikula. Makikita mo ang kahalagahan ng isang relasyon. Nagustohan ko rin ang pag ganap nila sa mga katauhan nila, hindi nila pinapagrabe. Natural ang mga kilos at mga emosyon nila. 

Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme

Pinanood ko ang pelikulang Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme ni Joyce bernal. Tunkol sa magkambal na kapatid na si Kimmy at Dora ang pelikulang ito. Kambal sila pero magkaiba ang kanilang mga personalidad. Si Kimmy matalino at maangas na tipong tao, si Dora naman ang medyo mabagal at tanga na tipong tao. Kabaligtaran talaga ang kanilang mga personalidad. Matagal nang naselos si Kimmy sa kambal niyang si Dora dahil ang lalaking gusto niya, may gusto sa kay Dora at hindi sa kaniya. Nagsimula ang kaguluhan noong nagkasakit ang tatay nila sa puso. Ginawa ng tatay nila si Kimmy bilang may-ari ng karamihan ng negosyo o korporasyon ng pamiliya nila para kung sakali mamamatay ang tatay, sila na ang mayhawak ng korporasyon. Para kay Kimmy, hindi ito tapat. Himingi siya ng tulong sa kanilang abogadong si Harry para ayusin ang problema niya. Hindi sila nagkaunawaan at nag nag plano silang ipatayin si Dora. Pero nag kamali ang mga tauhan at si Kimmy ang na kidnap nila. Ngayon, si kimmy nasa isang malayong bario kailangan niyang tumakas. Si Dora naman kailangang magpakunwari na siya si Kimmy sa korporasyon nila para maitago ang katotohanan sa kanilang tatay na maysakit.

Para sa akin, average lang ang pelikulang ito. Hindi pangit, hindi maganda. Hindi ko nagustohan ang pagganap nila sa mga katauhan, medyong pinagrabe ang mga kilos. Pero nakakatawa naman ang pelikula at napasaya ako noong pinanood ko ito. Wala kang masyadong makukuha na aral sa pelikula, mapapatawa ka lang. Katuad ng Project X at ng mga Hangover na pelikula, walang kwenta, nag papatawa lamang.

El Presidente

Pinanood ko ang pelikulang El Presidente. Tungkol sa buhay ni Emilio Aguinaldo ang pelikulang ito, siya ang unang presidente ng Pilipinas. Isang pinagtatalunan na katauhan si General Emilio Aguinaldo sa kasaysayan ng ating bayan, at kahit adaptado sa talambuhay ng general ang pelikula, hindi makiling ang pelikula kay Aguinaldo o kay Bonifacio. 

Sa simula ng pelikula makikita natin si Aguinaldo noong bata pa siya at nangongolekta ng buwis. May pinuntahan siya na bahay at may matandang babae na nakatira doon. Walang perang pambayad ang matanda at hindi niya na lang siningil ang matanda dahil naaawa siya. 

Ilang taon na ang lumipas, sumali si Aguinaldo sa Katipunan (KKK) at umaakyat ang posisyon niya hanggang nahalal na siya bilang presidente sa Tejeros Convention. Si Bonifacio bilang Supremo ng katipunan ay nainsulto na hindi siya pinili magiging presidente at sumalungat pa si Daniel Tirona sa pagiging  ministro niya sa panloob. Tinutukan ni Bonifacion si Tirona ng baril pero tinigil siya ng mga kasama niya.

Tinawag na si Emilio Aguinaldo dahil nanalo siya sa halalan. Pero hindi niya gusting umalis sa pwesto niya sa pasong Santol dahil alam niya na aatake na ang mga kastila. Pinuntahan siya ng kapatid niyang si Crispulo sa Pasong Santol at sinabihan na  kailangan si Aguinaldo sa Tejeros at si Crispulo na lang ang babantay sa Pasong Santol. Nag sakripisyo si Crispulo para sa kay Emilio at natalo sila noong dumating na ang mga kastila. 

Tama rin ang ginawa ni Aguinaldo noong sinasabihan na siya ng mga kasama niya na ipapatay si Bonifacio. Ayaw niyang ipapatay ang supremo. Sabi niya hanggang sa makakaya, hindi papatayin ang supremo. Dahil sa mga kilos ni Aguinaldo, makikita natin na isa siyang tao may moralidad at hindi katulad ng mga kasama niya na gustong patayin na ang supremo.

Dahil sa mga pangyayari sa pelikula, masasabi natin na may disiplina, prinsipyo at moralidad si General Emilio Aguinaldo. Isa siya sa mga kahanga-hangang bayani sa kasaysayan ng bansana natin. Kahit hindi ko nagustohan ang pelikula, nagustohan ko ang ambisyon nilang gumawa ng pelikulang ganito ka maringal.

Himala

Pianood ko ang Pelikulang Himala ni Ishmael Bernal. AKung gawing maikli ang pelikulang ito, tunkol ito sa kay Elsa (Nora Aunor), isang babae na binigyan ng kapangyarihan na mag gamut ng mga tao. Nakita niya si Mama Mary sa isang pangitain at nagkaroon siya ng stigmata. Inabuso ng mga tao ang kapangyarihan ni Elsa. Nagkaroon ng Epidemyang Cholera at hindi sila magamot ni Elsa. Sabin g mga tao nap peke daw si Elsa at maraming nagalit. Pero umulan sa lugar na sobrang tagal na hindi umuulan, sabi naman ng mga tao na dahil it okay Elsa. Maraming masama na pangyayari ang naganap sa. May pinatay, may nag pakamatay, nagahasa pa si Elsa at nabuntis. Sa huli ng pelikula, sinabi ni Elsa “"Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa ng mga himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga diyos." Maraming pwedeng interpretasyon ditto, pwede nating masasabi na kulang lang talaga sa pansin si elsa at pagkakataon lamang ang lahat na nangyaring tama. Pwede rin nating sabihin na napagod na talaga si Elsa sa mga tao at hindi niya na kayang magpatuloy pa sa kanyang paggamot ng mga tao. Marami na kasi siyang mga tagasunod. Sa pinakahuli, Makita natin na binaril si Elsa at namatay. Habang dumudugo na si Elsa sa harap ng napakaraming tao, wala rin man kahit isang tao na lumapit para magtulong. Lahat nanood lamang. Pinapakita ng pelikulang ito kung ano ka delikado ang bulag na pananampalataya ng maraming tao. Parang mga sombi na ang mga tao na sumusunod lang kay Elsa.

No Other Woman

Pinanood ko ang pelikulang No Other Woman ni Ruel S. Bayani. Ang pelikulang ito tunkol sa tatsulok na pag-ibig ng dating babaero na si Ram (Derek Ramsey), ang asawa niyang si Charmaine (Christine Reyes), at ang anak ng boss o kliente ni Ram na si Kara (Anne Curtis). Ang pelikulang ito ang tipiko na melodrama ng tasulok na pag-ibig. Babaero date si Ram at pero nagbago na siya at kinasalan niya si Charmaine. May negosyo si Ram at naging kliente niya ang resort ng tatay ni Kara. Nakilala niya si kara lumalangoy siya sa dagat at munik na siyang na sagasaan ni Kara sa jet ski. Doon sila nagkakilala at doon nag simula ang kanilang relasyon. Kada pumunta si Ram sa site ng resort, Nagkikita sila ni Kara at nag bunga ang relasyon nila. Isang araw, nalaman ni Charmaine na may kerida si Ram. Noong tinanong niya si Ram, Hindi niya inaamin pero na patunayan niya na kerida ni Ram si Kara. Nakita ni Charmaine si Kara sa isang mall at nag usap sila. Ang pag-usap nila hini direkta, gumagamit sila ng mga metapora. Dinala ni Charmaine si Kara sa bahay niya at kumain sila kasama ni Ram. Pagkatapos ng kain,  sumama na si Charmaine sa site ng resort at na engkwentro tiya doon si Kara. Nag sagutan sila at bumalik si Charmaine sa kwarto at nagwala. Nagalit si Ram at sinugod niya ang kwarto ni Kara at nagwala din siya soon. Umalis na si Ram pero hinabol pa siya ni Kara. Nakita sila na Charmaine at sinugod ni Charmaine si Kara at nag “cat fight” sila. Umuwi ang mag-asawa at sabi ni Charmain na gusto niya na maghiwalay kay Ram. Pagkatapos, sa sunod na scene, Pumunta si Kara kay Ram dahil gusto niya magusap. Ayaw ni Ram at umalis siya. Hinabol ni Kara si Ram at naaksidente si Ram. Hindi siya namatay pero dahil sa pangyayari ni iyon, humingi nan g tawad si Kara kay Charmaine at sumuko na siya. Sa huli, pinakita na mabuti na sila ni Ram, Charmaine at Kara sa isa’t isa. May anak na rin si Ram at Charmaine.

Ang Babae sa Septic Tank

Para sa akin, ang pelikulang “Ang Babae sa Septic Tank” ang isa sa pinaka weird na pelikulang nakita ko sa buong buhay ko. Komedya ang dyanra ng pelikulang ito pero hindi ako napasaya ng pelikula. Ang pelikulang ito pwede kong ma kumpara sa mga dokumentaryo na pinanood noong hayskul. Nanood lang ako para manood. Pareho sa “The Inconvenient Truth, pinanood ko lang dahil kailangan kong panoorin. Isa at kalahating oras ng buhay ko na hindi ko na mababawi. 

Nagsesentro ang pelikulang ito sa tatlong gumagawa ng palikula. Naniniwala ang tatlo na meron na silang magandang skrip at gusto nilang kunin si Eugene Domingo para sa papel ni Mila, isang nanay na mahirap at may maraming anak. Para lang mapabuhay niya ang kaniyang pamilya, binanta niya ang isa niyang anak sa isang pedophile.

Ang pelikulang ito nagpapakita ng isang ginagawa na pelikula, katulan ng Tropic Thunder. Ang Tropic Thunder isa sa pinakawalang kwentang pelikula na nakita ko pero mas mabuti na lang ang Tropic Thunder dahil nakakatawa nga talaga. Ang Babae Sa Septic Tank sa palagay ko hindi nakakatawa at hindi ko alam kung bakit maraming nagsasabi na maganda daw.

Hindi naman ako “hater” ng pelikulang ito pero hindi ko lang talaga nagustuhan ang pelikula at ito ang mga nararamdaman ko pagkatapos kong panoorin. Magaling na aktress si Eugene Domingo at nanalo pa nga sa Asian Film Awards bilang pinakamagaling na actress at sa kaniyang pananalita sinabi niya na para sa Pilipinas ang na nalo niyang tropeo. Congrats kay Madam Eugene Domingo!

The World of Wrestling

Tunkol sa sanaysay ni Roland Barthes na The World of Acting Wrestling.

Ayon sa kay Roland Barthes, ang resling (WWF/WWE) ang katumbas ng mga drama ng Griyego sa panahon ngayon. Hindi na naging isport ang resling, naging spektakulo na daw. Gawin ang ineekspektar ang tunkulin ng resler, hindi mananalo. Ang resling hindi na tunay na away katulad ng diyudo at boksing, naging acting na.Ang mgaresler meron ng kanikanilang karakter at diyan binabase ang kanilang mga galaw, pag pasok, at kasuutan.

Katulad ng teatro, ang resling meron din ng mga steryotipikal na mga katauhan. Lahat na ginagawa, sinusuot, at sinasabi ng resler nagsasalamin sa kanilang mga karakter. Kahit ang katawan ng mga resler nagsasalamin ng karakter nila. Importante ang mga karakter ng mga resler o ng mga actor dahil ditto binabase ang mga promosiyon ng WWE/WWF Kung wala silang mga karakter, walang mga iskrip ang kanilang pinapalabas.

Ang mga galaw sa resling hindi katulad sa diyudo o boksing. Ang mga galaw sa resling sobrang nagpapalabis. Pinapakita talaga nila na masakit pero sa totoo hindi naman. Ang forearm smash ang isang halimbawa ng galaw sa resling na nagpapakunwari na malakas o masakit pero sa totoo mahapdi lang. Ang kalaban na ginamitan ng forearm smash nag pakukunwari din na masakit talaga ang forearm smash. Ang dibdib nila mamumula at grabe ang reaksiyon. Parang natigil talaga sila sa kung ano man sana ang gagawin nila.

Ang karamdaman ng katarsis ang dahilan kung bakit nanonood ng resling ang mga tao. Ang lahat na nararamdaman nilang galit o kung anong damdamin man nagkakaroon ng isang palabasan sa pamagitan ng resling. 

Praybeyt Benjamin

Pinanood ko ang Pelikulang Praybeyt Benjamin. Nag sesentro ang pelikulang ito sa buhay ni Benjamin Santos VIII (Vice Ganda). Hindi ko nagustohan ang balangkas ng pelikula na ito pero nakakatawa naman. Medyong mababaw ang balangkas ng Praybeyt Benjamin. Pinalayas sila ng pamilya nila at nagbati na sana pero bakla si Benjamin Santos VIII at sabi ng lolo na kahiyaan siya ng pamilya. Nagkaroon ng digmaang sibil ang pilipinas at na kidnap ang lolo niyang heneral. Bawat pamilya kailangan magpadala ng isang lalaking sasali sa digmaan. Maysakit ang tatay ni Benjamin VIII at siya ang nagsali sa digmaan para sa tatay niya. Nahanap nila ang campo ng kalabat pero hindi maniniwala ang pinakamataas na heneral sa kanila. Sinugod niya ang kampo ng kalaban kasama ang ilan niyang kaibigan at naligtas nila ang heneral at ang komander nila noon. Barilin n asana ang lolo ang heneral pero tumalon si Benjamin VIII at hindi natamaan ang heneral. Namatay siya at nakita niya ang mga ninuno niya sa langit. Sinabihan siya na hindi niya pa panahon mamatay at nabuhay siya ulit. Pag balik niya, mahal na siya ng lolo niya at naging mga bayani na sila.

Ayon sa IMDB 3.3/10 ang grado nito. Isa ito sa pinakamababa na grading nakita ko sa mga pelikula. Sa palagay ko, dahil ito sa balangkas ng pelikula na mababaw. Pampatawa lang talaga ang pelikulang ito katulad ng Borat at Jackass. Nagulat nga ako noong nalaman ko na ito ang may pinakalaking kita sa kasaysayan ng mga pelikula sa Pilipinas. 

Sa Loob at Labas ng Mall Kong Sawi

Katumbas ng post na ito ang partisipasyon ko sa Fil12 kaya pasensiya na kung medyo mainip ang isusulat ko.

Ang Pagkatuto at Pagtanghal ng Kulturang Popular

Sabi ni G. Rolando Tolentino ang kulturang popular may limang katangian:

  1. Ang Kulturang popular ay ginagawa para sa kita.
  2. Ang kulturang popular ay transgresibo sa mga kategorya.
  3. Ang kulturang popular ay ipinapalaganap sa pamamagitan ng teknolohiya
  4. Ang kulturang popular ay pumapailanlang sa nosyon ng sado-masokismo.
  5. Ang kulturang popular ay nanggagaling, pangunahin, sa sentro.

 

1. Ang Kulturang popular ay ginagawa para sa kita.

Nag kakapitalayz ang mga kapitalista o mga kompaniya sa kulturang popular sa isang tiyak na lugar. Nag kakapitalayz sila sa “uso” ng panahon na iyon.

--Sumasangayon ako sa katangian na ito maliban lang sa nakasulat na "Ang kulturang popular ay nilikha para bumenta". Naniniwala ako na ang kulturang popular hindi ginawa/nilikha ng mga kapitalista pero ginagamit lang ng mga para kumita. Ang kulturang popular ginawa/nilikha/pinili ng mamamayan. Ang mamamayan ang may kapangyarihan sa kulturang popular. Kung may lilikhain man ang mga kapitalista at hindi magugustuhan ng mamamayan, hindi magiging bahagi ng kulturang popular ang ginawa ng mga kapitalista.

 

2. Ang kulturang popular ay transgresibo sa mga kategorya.

Walang pakialam ang kulturang popular kung anong uri ng tao ka. Kung mayaman ka o mahirap, lalake, babae, bakla, tomboy, meron ka rin ng sarili mong punto de vista sa kulturang popular na iyan. 

 

3. Ang kulturang popular ay ipinapalaganap sa pamamagitan ng teknolohiya.

Tinatawag ng mga tao ngayon ang panahon na to bilang “Panahon ng Impormasyon” dahil ambilis mag padala ng impormasyon gamit ang teknolohiya. 

 

4. Ang kulturang popular ay pumapailanlang sa nosyon ng sado-masokismo.

Lahat ng tao ambisyoso. Libre lang naman mangarap. Pero kung maabot na ng kapasidad ng tao ang kanyang pangarap, may bago at mas mataas nam siyang magugustuhan na pangarap. Halimbawa, kung pangarap ko magkaroon ng isang Audi at makamit ko yung pangarap na iyon, bago naman ang pangarap ko. Dahil may Audi na ako, normal na lang iyan sa akin. Ang bago kong parap ay magkaroon naman ng Ferrari. Kung maabot ko naman ang Ferrari, bago naman ang magiging pangarap ko. Araw araw dinadala ko ang mabilis kong Ferrari. Pero dahil may Ferrari na ako, normal na lang iyan para sa akon. gusto ko ng mas mabilis pa. Gusto ko naman mag karoon ng isang F-22 Raptor. May ibili tayo para masasaya tayo pero kung na sa atin na, nagiging kulang na siya at ang maka pasaya sa iyo ulit ang mas maganda o ang mas mataas pa.

 

5. Ang kulturang popular ay nanggagaling, pangunahin, sa sentro.

Ang Pilipinas ay hinati sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang kulturang popular ay nanggagaling sa mga sentro at bawat grupo ng mga isla may kanilang sariling sentro. Luzon-Manila, Visayas-Cebu, Mindanao-Davao. Kung ano ang uso sa sentro, susundin din ng ibang lugar. Katulad ng Iloilo, Nag babaliw ang mga tao sa milk tea dito sa Manila at Cebu. Ngayon, sa Iloilo may mga Milk tea shops na at palaging puno Lahat nag tao gustong makisali sa “uso”.

 

Ang Pananaw sa Pag-aaral ng Kulturang Popular

May dalawang magkatunggaling pananaw ang kulturang popular. Ang una ay tumitingin sa kulturang popular bilang instrumento ng mamayaning kaayusan sa pag sisiwalat ng sistema ng pagpapahalaga nito. 

Ang unang pananaw tumitingin sa kulturang popular bilang instrumento ng namamayaning kaayusan sa pag sisiwalat ng sistema ng pagpapahalaga nito. 

Ang ikalawang pananaw ay tumitingin sa kulturang popular bilang daluyan ng taal na kamalayang Filipino.


May imumungkahi pa na pananaw si G. Rolando Tolentino. Tumitingin ang pananaw na ito sa kulturang popular bilang isang teryn ng tunggalian.

Mga aspekto ng tunggalian:

  • Itaas at Ibaba
  • Kultural na Kaategorya
  • Kasaysayan,Lipunan at Modernismo
  • Global at Lokal
  • Nasyonal at Transnasyonal

Reblogged from thefuuuucomics